ZTE-Controversy : Lozada`s Senate Testimony Transcript
Kaya po ako narito kasi marami nang nagsisinungaling tungkol sa kung may kinalaman. Gusto ko na rin pong matigil iyon kaya ako pumunta dito. Ayoko pong maging dahilan na magkasala ang iba sa Diyos at sa bayan dahil sa akin.
Kaya ako nandito para maliwanagan ang mga bagay na maraming tao ang nagtatanong.
Mabigyan ng liwanag 'yung mga bagay na maraming nagtatanong na nakakaapekto sa Pilipinas sa kinabukasan ng mga anak natin. Ang sasabihin ko po rito ay walang malisya kahit kanino. Wala naman ako kalaban.
Sasabihin ko na kung bakit ako umalis. Nun ho kasing lumabas ang subpoena ko... Matagal na ho akong inimbita ng Senado, nung September pa ho. Hindi ako pumupunta dahil natatakot ako at nagpaalam ako kila Sec. Neri na inimbita na ako. Binanggit daw po ako ni Sen. Pimentel.
Tinanong kung kilala ako.
So, magmula ng araw na iyon takot na ako na baka mapunta ako dito.
Sinabi ko po kay Sec. Neri iyon. Sumulat ako sa DENR kay Sec. Atienza at sabi ko kila Sec. Neri sana 'wag ako makarating sa Senado. Matagal na iyon. Kala ko patay na 'yung NBN-ZTE deal na iyon para tuluy-tuloy na ko sa tuba-tuba.
Masaya ako sa ginagawa kong trabaho. Nung lumabas na naman 'yung subpoena, tinanong ko si Sec. Neri kung ano ang gagawin ko. Sabi niya bahala na raw ang Palasyo sa akin.
Pumunta ko kay Sec. Atienza. Si Sec. Atienza, hindi naman alam kung ano ang kinalaman ko rito eh. Nung pumunta po ako sa office ni Sec. Atienza two days before iyong hearing dito.
Tinanong niya ako, pinasok niya ako sa kwarto sa DENR. Sabi niya Jun ano ba kinalaman mo rito. Sabi ko, Sec ano ba gusto mong kwento, iyong salient points lang o from the top. Sabi niya from the top, ikwento mo sa akin lahat.
Ikinuwento ko sa kanya lahat. At nang nalaman niya, sabi niya, pag kinuwento mo sa publiko ito, magagalit sila. Ibibigay mo 'tong gobyernong ito sa oposisyon.
Sabi ko, Sir, ayoko ding mapunta doon. Hindi ko naman ho gulo 'yan. Simpleng tao lang po ako. At tsaka marami na po akong death threats. Sabi niya oh sige, tingnan natin ang magagawa natin para hindi ka makarating doon. Ano ba ang gusto ko?
Sabi ko ito lang ang gusto kong mangyari. Huwag niyo na akong paratingin sa Senado. Tigilan na iyong death threats sa akin. At pangatlo, kung ako makakarating sa Senado, hindi ko ho... kilala ang sarili ko, baka hindi ako makapag-sinungaling.
So, two weeks po ata iyon so nung Martes pumunta ako kay Deputy Executive Secretary Manny Gaite. Nobody knew my role. Very few people knew my role so pinagpaliwanag uli ako ng mga tao ni Manny Gaite at nung nandoon na siya.
Sabi niya ganun uli, 'Anong gusto mo?' I've been very consistent sa buhay ko. Inulit ko sa kanila, 'wag n'yo na lang hong paratingin sa Senado. Patigilin 'yung death threats. Kung sakaling hindi n'yo mapipigilan ang Senado, baka hindi ako maka-ano.. I have to tell them the truth under oath.
Sabi nung mga tao ni Deputy Secretary Gaite na pinag-aaralan iyong mga legal remedies para 'wag ako makarating sa Senado, sabi nung mga tao ni Dep. Sec. Gaite, mukhang wala silang makitang legal remedy to stop the Senate from getting me.
So, (they) decided right there and then siguro after lunch, sabi nila kailangan lumabas si Jun. So, inayos po nila 'yung travel documents ko.
Pinagawa ako ng mga travel request, pina-ante-date at pinaalis po ako papuntang Hong Kong.
At pagpunta ng Hong Kong, akala nila pagkatapos ng hearing na iyon, closure report na ang NBN-ZTE.
Makakabalik na po ako ng Pilipinas kasi tapos na. So iyon po, kaya ako umalis. Wala po akong balak mambastos ng senador pero naniniwala ako na habang ako ay nasa gobyerno, l will toe the government line.
Nung nasa Hong Kong po ako, napakalamig dun. There was one, hindi ko na po maalala kung anong araw, tinawagan ako ni Sec. Neri. Gumawa raw ako ng sulat para kay Sen. Enrile para ma-withdraw na 'yung motion na arestuhin ako, dahil pinapaaresto na raw ako.
So pinagawa ako ng sulat. Sabi ko hindi ko naman kilala si Sen. Enrile. Baka magtataka iyon dahil hindi niya din ako kilala. Magtataka iyon bakit ako sumusulat sa kanya, parang best friend na susulatan mo na lang ng basta-basta.
Sabi niya, hindi, sumulat ka na lang kami na bahala. Hindi ko nga alam kung ano ang isusulat. They texted me what to write. Hindi ko na lang natago 'yung text.
Mayroon doon na kasama na rin si FG na parang walang kinalaman si FG dun sa mga nalalaman ko. Hindi po sinali iyon kaya pasensya na kayo Sen. Enrile, mali-mali lang iyong grammar.
Sabi ko ho sa kanila, gusto ko nang umuwi kasi 'yung asawa ko alalang-ala na. Tsaka hindi ako makatulog sa Hong Kong. Dalawang oras lang po ang tulog ko nun.
So last week, tinawagan ako ni Sec. Atienza. Sabi niya, 'kelan ka ba dapat umuwi,' February 7? So umuwi ka na ng February 5. Don't take (a flight) 'yung maraming tao. 'Yung alanganing oras ka umuwi.
Ako naman po masaya dahil gusto ko naman pong umuwi na. Ang instruction, sabi ko, Sec paano po iyong arrest warrant sa akin?
Sabi niya, nakausap na namin si (Immigration commissioner) Libanan. Okay ka na sa Immigration basta dumere-deretso ka lang. Hindi ka iho-hold ng Immigration. Tapos pasalubong ka na lang. Okay ka na. Iyon na po ang huling usapan namin. Kampante po ako roon na tapos na ito.
Pagbaba po sa eroplano, may mga kumuha sa aking mga lalaki, hindi ko naman mga kilala. Tapos pag-apak na pag-apak ko, they grabbed me by my arms and said, 'Ito na, ito na ang subject.'
Kinuha ako, nilabas ako sa tube, sabi ko, 'Teka, teka may mga sasalubong sa akin dito at sabi sa akin ni Secretary I have to go to Immigration.'
'Hindi, hindi ipinapakuha ka sa amin.'
Dinala po ako, ilalabas sana ako sa tarmac deretso doon sa... basta napakabilis ng mga pangyayari, narinig ko lang sa radyo nila, 'Wag kayong dadaan diyan. Andiyan 'yung mga taga-Senado.
So nilihis po nila ako. Inakyat ako sa departure tapos sinakay na uli ako sa elevator. Binaba na uli ako pababa sa tarmac. Sinakay ako sa sasakyan. Nagatatanong ako saan ako dadalhin, saan ako dadalhin.
'Basta sir, relax lang, relax lang. Wala kaming gagawin sa iyo.'
Pero sabi ko saan tayo pupunta. Iikot daw nila ako. Lumabas po kami, kilala sila ng mga security airport. Very obvious nandoon 'yung sasakyan namin. Tapos inilabas na ako, inikut-ikot kami sa airport. Tapos dinaan sa Villamor, sa Fort Bonifacio... Tapos all the while, may mga
nagte-text ho ang radyo. Naririnig nila lahat ng radyo doon sa Senado, lahat. They're pretty well equipped.
Naaawa nga ako sa mga taga-Senado. Kwentuhan sila nang kuwentuhan, naririnig naman sila ng mga kumuha sa akin.
'Di ko alam kung ilang sasakyan 'yung magkakasama kaming lahat basta marami sila. Dadalhin daw ata ako sa Dasmariñas, Cavite. So sinilent mode ko na po 'yung telepono ko. And I texted my brother na may dumukot na sa akin. Bumulnot. Bicolano po kasi so, ang loose translation, may kumuha na sa akin.
So naturally my family was really, really alarmed. So ako naman po ng narinig ko na nasa Southwoods na kami... Nung narinig ko na sa Dasmariñas, Cavite ako dadalhin, naisip ko po si Dacer.
So nag-text ako kaagad sa kapatid ko na i-triangulate kaagad kung nasaan itong telepono ko. Telecom engineer naman po ako so alam ko ang mga kakayahan sa telecom. Sabi ko, 'Do your best to triangulate and find this signal.
Tapos sinabihan nila ako, 'Sir, tumigil na po kayo sa kate-text. Nakukuha lang naman namin eh.'
So inikut-ikot pa rin nila ako. Ang layo na po namin. Nasa Calamba na ako. Nagte-text na ako. Sabi ko, 'Madilim na, gabi na.' Sabi ko, 'Do your best to find me.' Hanggang pinapatay na iyong telepono sa akin.
Tapos nung nasa may Los Baños na kami, may natanggap silang tawag. Sabi nung mga nasa harapan ko, "Ibalik na raw, ibalik na raw. Napakainit na raw ng media.' Nagpapasalamat po ako sa mga taga-mediang naghanap sa akin.
Nung pabalik na kami, tumigil kami sa isang gasoline station, gumawa ka sir ng sulat na nagre-request ka ng security detail sa amin. Sabi ko, may nakita akong Starbucks, 'Doon sa Starbucks para may lamesa. Makatanggal-tanggal din ng konting kaba.'
Sabi niya, 'Hindi, kami ho ang lalabas.' So lumabas 'yung isang kasama, kumuha ng papel. Naiwan ako doon sa isang mas bata. Sabi ko, 'Alam mo ikaw bata ka pa. Huwag ka kakong pagagamit sa masama.'
So bumalik po sila. Sulat-kamay na naman. Sabi nila, 'Sir gumawa ka na ng sulat na nagre-request ka na ng security sa amin.' So ginawa ko rin po iyon. And then ibinalik na ako sa Maynila. 'Sir, itu-turn over na raw ako sa pulis.'
So dinala po nila ako sa Outback (restaurant) sa Libis. Pagdating po namin doon, tinurnover na po ako. Nakilala ko na ngayon si... Ang pakilala niya sa akin si George... pero siya pala si Paul Mascariñas at nanduon si Atty. Bautista. They were supposed to have dinner.
So nung pabalik na 'ko, kahit pala nung papunta pa 'ko. Tinawagan ako ni Sec. Atienza. Sabi niya, 'Jun huwag kang mag-alala. Relax ka lang. Mga tao natin 'yan. Relax ka lang.'
Tapos tumawag din po si Sec. Neri. Sabi niya, 'Jun, patahimikin mo. Calm, calm your wife down. Calm your wife down. They're panicking in the media.' Sabi niya, 'Tawagan mo.' Sabi ko, 'Sir, she cannot calm down. I have to go. She has to see me. Hindi titigil iyon.'
So pasensya na po kayo. Ganun na ka-praning (ang) pamilya ko dahil sa dami ng death threat na tinatanggap namin. Napatayan na ko ng kapatid ko nung 2001. Napatay 'yung kapatid ko, wala ring nangyari.
So sabi ko kay Sec. Neri, 'Rom, gusto ko nang umuwi.' So dinala po ako roon sa Outback sa Libis. Nandun na si Atty. Bautista, saka 'yun nga 'yung lawyer, and they were about to eat.
Pagkadating ko, nakikain ako. Iyong unang platong nakita ko kinain ko na. Hindi naman pala sa akin iyon. Sa sobrang gutom na dinaanan ko. Si Atty. Bautista was asking me kung ano... obviously he knows me already.. certain questions because he will prepare my affidavit.
So mukhang they decided to bring me na to the Senate dahil daw sa sobrang init na. But they want me to sign my affidavit first before I go to the Senate. Then sabi niya, 'Saan po kayo puwedeng..' Pagkakain, ininterview na po ako ni Atty. Bautista. Sabi ko, 'Puwede na po ba akong umuwi?'
Sabi nila, 'Hindi, sir hindi ka puwedeng umuwi sa bahay baka maraming media doon.' So sabi ko pwede bang... 'Sir, sa Rembrandt na lang namin kayo dadalhin.' Takot pa rin ako nun. So pwede bang sa La Salle Greenhills na lang. Kasi 'yung mga anak ko, tinago, kung baga nasa sanctuary na ng La Salle Greenhills. Tinutulungan na ho ng mga Brothers dun. Isa rin ho sila sa malaking pasasalamatan ko.
So buti naman po iyong anak nitong si Col. Mascariñas, gumraduate sa La Salle at scholar pa pala ng La Salle Brothers. So I struck a very sympathetic chord with him. 'Ah, ganun ba? Sige, doon na kita dadalhin.' You cannot imagine ganoon kadaming dasal na pasasalamat ang inabot ko po nang dinala ako sa La Salle Greenhills.
So iyon po 'yun. Nandun 'yung asawa ko. Nakita na. At 'yung mga kapatid ko, after a while, nung nalaman na andoon ako, takbuhan doon makita lang na buhay ako. Pero po 'yung mga bantay ko nandun pa rin.
So kinabukasan ho, kinuha uli ako. Dinala ako sa office ni Atty Bautista where he has already prepared the affidavit for me. And I had to fill out certain blanks there. Address ng opisina namin. Anong klaseng engineer ba ako. After that, nai-type na nila. Pinakain na po ako ni Atty Bautista and his wife, who is a very gracious host.
After nun, sabi niya pirmahan ko na ang affidavit ko. Sabi ko, 'Atty Bautista, I have some reservations about this affidavit.' Sabi niya, 'Okay lang 'yan. Just sign it. Para na rin sa comfort ng Malacañang 'yan.' So I signed it. And they brought me back to La Salle Greenhills para makapagpahinga na rin ako, to prepare for the Senate hearing which was supposed to be yesterday.
At nung gabi na iyon, bumalik naman si Col. Mascariñas with a typewritten letter na kailangan ko ring pirmahan. Sulat na naka-address 'ata sa PNP that I was requesting for security for protection. So lahat po ng isubo nila sa akin, I had to sign. Siguro naintindihan niyo naman. Nandun sila sa akin. So I had to sign it.
Tapos nung pinirmahan ko 'yun, hindi pa 'ata nagtahi-tahi 'yung kuwento nila sa media, so he came back again. Sabi niya nung gabi, 'Papirmahan mo rin ito sa kapatid mo.'
So ayaw ng ate ko po. Sabi ng ate ko, 'Hindi ako umabot ng sisenta (60) anyos para lang siraan ang pangalan ko.' Sabi ko sa ate ko, pirmahan mo na para makaalis na sila. So umalis na po sila after my sister signed.
So nung gabi pong iyon, binisita rin ako ni Mike, Mike Defensor. Magkaibigan po kami nun. Binisita po ako ni Mike. At meron po 'ata (akong) nakalimutan. Nung nandun ho pala si Col. Mascariñas, tinawagan din po pala niya ako. Gusto kang makausap ni Gen. Razon.
Nakikita kong hirap na hirap si Gen. Razon. Sabi ko sa kanya, 'Sir, pasensya na po kayo. Pati kayo nadadamay sa akin.' Kasi nakikita ko ho na nag-aano siya sa media... he was forced to say a lie. So naawa ako sa kanya actually. I know he's a good man but napipilitan pa siyang magsinungaling.
So nung pumunta po si Mike nung gabi na 'yun. Sabi sa akin ni Mike, 'Pare, this thing has grown out of, way, way out of proportion na to.' Sabi ko, 'Oo nga Mike, hirap na hirap na 'ko dito. Sinabi ko naman sa inyo simula't-sapul pa ayokong ma involve-involve diyan.'
Sabi niya, 'Di bale, 'di bale. Gagawan natin ng paraan 'yan.' Sabi niya, 'Pwede bang tumawag ka na ngayon sa media.' Either si Mike Enriquez, si.. sino pa ba 'yung babaeng broadcaster? Hindi ko matandaan. 'Tumawag ka na. Just make a statement na hindi ka naman talaga kinidnap. Na wala ka naman talagang alam dito.'
Sabi ko, 'Mike ayoko nang gumawa ng... dadagdag pa ako sa gulo eh. Pwede bang hindi na ako magsasalita. And he was so gracious. Sabi ni Mike, 'Oh eto panggastos-gastos.'
Kaibigan ko po iyang si Mike. Sabi niya, 'Puwede bang bukas mag-press conference ka na. Kaya 'yang press conference na iyan, press conference ni Mike 'yan eh (laughs). Kasi sabi ko kay Mike, "Mike lahat naman ng inuutos niyo sa akin, sinusunod ko kaya lang sabog nang sabog. Sabi niya sa akin umalis ako, pumunta ako ng Hong Kong dahil tapos na ito, closure report na. Hindi, pinaaresto ako. Kaysa umayos, lalong lumala.
Pinaaresto ko. Sabi ka ko ni Sec. Atienza, umuwi na ko. 'Yung pang-hapon, sinunod ko umuwi naman ako, nagkagulo pa rin... Sabi niya, mag-press conference ka na lang bukas. Sabihin mo na hindi ka kinidnap, wala kang kinuhang ano... So pagpasok ko sabi ko, 'Mike, ang hirap hirap na nito.'
So pagbalik ko po sa kwarto ko kinuwento ko sa asawa ko iyong ano, sinabi kong tumawag pa rin si Sec. Neri. Sabi ko 'Rom, hirap na hirap na ako sa kalagayan ko.' Sabi ko, 'Meron na akong maraming problema sa labas. On the domestic front nagkakaproblema na ako. My wife is wreck already.
Kung wala lang ako, natatakot na kasi hindi alam kung saan ako dadalhin.
Sabi ko nga sa kanya, hirap na hirap na 'ko sa domestic front. Mas mahirap kasi I am the only to work on her. Sa external front marami tayo. Nung gabi pong iyon, kinuwento ko sa asawa ko 'yung plano na magpapa-press conference na ako. Sabi ko nga kay Mike, 'Mike kayo na ang mag-ayos ng statement.'
My wife, sabi niya, 'Puwede bang tawagin na natin si Sister. Hindi ko na kaya 'tong pinaggagagawa mo.' Tinawag na namin sila Sister. 'Yung mga kaibigan naming madre. Sinabi nga ng asawa ko 'yung predicament namin.
Kinuwento ko rin sa mga Brother tsaka doon kay Bishop 'yung kinalalagyan na namin. Tuluy-tuloy na ito. Sabi ko, 'If I do this, I'll get suck into this already. Tuluy-tuloy na. Kasali na ako rito.'
Sabi po ng mga madreng kausap namin at 'yung mga pare, 'Jun wala nang katapusan 'yan. Let's pray over it. And after praying, magdesisyon ka kung sasama ka na diyan. Irerespeto natin 'yan. O you will stick with the light.' Medyo tumagos sa puso ko 'yung sinabi nung pare. I prayed over it. Mga aalas-dose na po iyon. Nagdesisyon po ako, which really made my wife freak out, na I will just go to the Senate na lang. I will submit myself to the Senate panel. Enough of this, sabi ko. Hindi na ko makikisali sa mga pinapapirmahan sa akin.
So nung gabing 'yun, after ng prayer, natatakot 'yung asawa ko kung ano ang mangyayari. Nagdesisyon na po 'yung mga madre at pare na para sa ikabubuti ng proteksyon ng buhay mo, mag-press conference na tayo.
Sabi namin, 'Sus maryosep.' Alas dos y media (2:30 a.m.) na po ata 'yun o ala una na (1 a.m.). Sabi ko, 'May tao bang pupunta sa atin?' Sabi niya, 'Hayaan mo na. Basta on record lang na sinabi mo na 'yung gusto mo.' Kasi baka doon sa baba... 'yung mga pulis, nandoon pa eh. So iyon po kaya ako nag-press conference kahapon. Na nadesisyunan na that I will stick to the truth and I will come, submit myself to the Senate. Kaya po ako nandito.
Tutungo na po ako doon sa kinalaman ko sa ZTE deal. Teka lang po at marami po akong scribble scribble kasi. Medyo matagal na po iyon (Goes over his notes and prepares documents)
(Sen. Loren Legarda asks if the Senate committee has already been furnished with the affidavits Lozada was talking about. Sen. Cayetano replies in the negative)
(Sen. Jinggoy Estrada: Masyado lang po akong nababahala sa sinabi ninyo Engr. Lozada. Magkano ba talaga ibinigay sa inyo ni Mike Defensor? [crowd laughs])
Mr Senator hindi ko po binuksan, baka matukso pa 'ko (laughs). Hindi po, maliit na sobre lang.
Pupunta na po ako doon sa....As I said kanina, ang sasabihin ko po ay 'yung aking personal na partisipasyon lang at 'yung ibang bagay na alam na naman ng publiko. At uulitin ko po, ikukuwento ko lang to without malice to no one.
Nag-umpisa po itong partisipasyon ko sa ZTE-NBN sometime late September 2006, nung ipinakilala po sa akin ni Sec. Neri si chairman Abalos sa Wack-Wack because chairman Abalos wanted to pursue a telecom project in government. And usually sa mga ganyang pag-uusap, the secretary would always invite me.
Nang nandun po sa meeting namin usually with chairman Abalos si Ruben Reyes, si Leo San Miguel and 'yung mga taga-ZTE si Yong at tsaka si Fan Yang.
'Yun, very light lang, kwentu-kwentuhan. And then sabi ni Sec. Neri, O Jun ano ang tingin mo? Sabi ko, it's, it's a project. So sabi niya let chairman Abalos course it through the proper channels.
And a few weeks after that, and the first proposal came from CICT to NEDA. The Sec gave me a draft of it, sabi niya Jun tingnan mo, pag-aralan mo kung ano 'yung mga nandito.
I remembered reviewing the docus especially the financials, at sabi ko, the most salient point I can remember po after that, sanay naman po akong tumingin ng mga project body, is the financial basis for the entire financial projection, so many spreadsheets of the financial justification.
But what struck me the most was that, 'yung basis nila of gov't telecom expenses dahil 'yun po ang ginamit nila na para maging basehan ng kanilang napakaraming projection, they took it from a tabloid.
They took it from Abante Tonight na September 20 , 2006 issue. From that factor alone I said, how the heck can a multi-billion project of government be based upon figures coming from a tabloid? 'Yun 'yung sinabi ko kay and then ang sinabi ko, I don't know why, it might ...the form might be really really good kako but there's no substance there.
While Sec Neri was in DBM I drafted a memo for him to all government agencies to submit all telecom expenses classified into fixed, mobile, and data. We never got it. So whoever 'ka ko has these figures, I will really, really like to find out where they got this.
So 'yun ang recollection ko when I look at that paper.
And I told Leo San Miguel, Leo ayusin n'yo to, kasi sasabog ito. Itong feasibility study n'yong 'to. And then sabi ko sa kanya, ang dami-dami dun tungkol sa education tanggalin n'yo na ang education portion na 'yan, dahil sabi sa akin ni Sec Neri 'yang cyber educ na 'yan, OK na 'yan. Meron nang hahawak diyan kaya dapat mahiwalay kayo d'yan.
So 'yun po 'yung natatandaan ko dun.
After a few weeks, Sec Neri again invited me to a core presentation sa NEDA kasi daw 'yung anak ni Joe De Venecia will make a presentation, about broadband network din.
So nandun ako, nagpunta rin ako, may broadband network project din si Joey mukhang maganda naman, maganda pong magsalita si Joey, tapos B-O-T [Build-Operate-Transfer].
So tinanong sa akin ni Sec Neri, ano appropriate ba 'yan? And that's the time na he told Joey, o sige i-pursue mo pa 'yang development ng project mo.
And then nung tinanong ako ni Sec Neri - Jun, kamusta na ba 'yung mga project na 'to? How are they different? Sabi ko, they are only different in their financial transaction to government - one is BOT, one is on a loan basis.
Sabi n'ya, can you reconcile? Sabi ko, I think so, 'ka ko. Sabi niya, alagaan mo 'yang dalawang 'yan kasi, they have both good political sponsors. So that's how he termed it.
So I called up for a meeting and met with them and I proposed for a structure. Eto 'ka ko ang instruction sa akin ni Secretary Neri, to reconcile your proposal. Sabi ko why don't we work by objectives?
Kung ang objective ni Joey is to do BOT, si Chairman Abalos is to do a supply agreement with gov't, sabi ko why don't we do it this way: eto si Joey 'ka ko let him have his BOT, anyway walan namang financial sa gobyerno. Tapos ikaw chair, dahil ano mo naman talaga, objective mo is to do a supply agreement, why don't you supply Joey? Ganon na lang 'yung agreement. They both liked it.
So I made it a win-win situation, and after that I left them to their own discussions na. Kaya marami na ho silang pag-uusap nun.
And then, the trouble started when chairman Abalos called me. He said, Jun, mukhang maganda na ‘tong structure na ‘to. Proteksyunan mo lang 'yung 130 natin d'yan.
Sabi ko, chair, mukhang malaki 'yun. Sa vernacular nga po, alam ko ho sa Tagalog 'yun kasi Tagalog naman kami pag nag-uusap, hindi kami nag-i-inglisan, sabi ko, sir, bubukol po ‘yan. Napakalaki n’yan.
Baka po 65 pwede pa, kasi 65 out of 200, ano baka mga 33 percent, bale sasabihin ko po kay Joey.
Nung sinabi ko kay Joey na Abalos wanted 130, oh, Joey has a very colorful language, 'no? Hindi ko na uulitin. So ano, sabi niya papaano ko ‘to ire-reflect sa libro 'yan? Malabo 'yan? So sabi ko kay chair Abalos, sir, malabo talaga.
So sabi ngayon ni chairman Abalos, sabi niya, in between po 'yan ng mga golf games namin, ‘di ko na po maikukwento 'yan, ‘di ko na natatandaan lahat. Sabi niya didirestso na uli ako.
Sabi ko, chair, hindi kayo pwedeng dumiretso kasi loan basis 'yung proyekto ninyo. Kabilin-bilinan po sa akin ni Sec Neri at according po kay Presidente ang NBN BOT lang ho dapat 'yan.
So ang ano n'ya is medyo nagagalit siya. Sabi niya, ‘o sige tawagan natin si pare. Tawagan natin si FG.’
Kinuha niya telepono niya, sabi niya, “pare, nandito sa katabi ko 'yung taga-NEDA." He calls me taga-NEDA kasi kay Sec Neri. Ang sabi niya ang sabi n'yo raw hindi pwedeng i-utang 'yung project ko.
'Di ko na lang po naririnig 'yung sa kabila. Ang sabi niya, “kung ganyan kayo kahirap kausap, ayoko na rin kayong kausap. Kalimutan n'yo na lahat 'yung pinag-usapan natin." Tapos binaba na niya. Tatawag ‘yun, sabi niya.
Si chairman Abalos po pag kaibigan niya napakabuting kaibigan, well tumawag nga. Sabi n'ya, OK na.
Kaya ko po nalaman na totoo 'yun, kasi po kinabukasan po may dumating na sulat galing… ba’t ba sinabi kong kinabukasan, basta right after. Basta napakabilis po. May dumating na sulat mula sa Chinese ambassador na binigyan ng kopya 'yung NEDA na meron nang available na loan facility sa NBN, independent of the cyber education.
So napabilib ho ako nun. Nag-report ako kay Sec. Neri sabi ko, Rom, siga talaga ‘tong si chairman, no? Sabi niya, Jun, kaya mag-iingat ka. Mag-iingat ka kasi hindi pwedeng mag ano 'yan, so do your best na maano 'yan.
And sabi niya, “you moderate their greed."
So ako naman during nung mga ganoong kalagitnaan, 'yung mga ZTE panay naman 'yung pa-dinner sa akin. Cheap lang po ako, sa dinner lang ako nakukuha e, so panay ang pa-dinner sa akin, alalang-alala na raw po sila, dahil 'yung mga advances nila kay Abalos wala pa ring nangyayari.
Sabi ko sa kanila, 'wag kayong mag-aalala, umaandar na 'yung project n'yo.
So sometime toward December na po, siguro kakukulit nitong mga taga-ZTE, nandito po kami ni chair Abalos sabi niya, “tawagan mo si Joey mag-dinner tayo sa Makati Shangri-La nandun si FG."
So nag-dinner po kami, nandito po ako (points direction) nandito si Ben Abalos, nandito si Joey after a while po kasi may dinner din po sila. Umupo na rin sa harap namin si FG.
Parang gusto ipakita ni chair Abalos, pare, “OK na kami. OK na kami. OK na rin kami sa NEDA." So nagkwentuhan na rin po kami sa ibang project.
Ayoko na po munang banggitin kasi baka lumaki pa ho 'yung mga problema ko. So nagpunta na sila ng China. Dapat po kasama ako dun, buti na lang sinabihan ako ni Sec Neri na huwag ka nang sumama d'yan at magulo 'yang grupo na 'yan.
So hindi ako sumama. Pagbalik po nila ng Enero, eto na anaman po…may lunch na naman po kami. Pasensya na po, puro kami lunch, dinner. Nagpunta po kami sa Shangri-La Makati. Si Sec Neri ako, si chairman Abalos, 'yung bagong commercial counselor ng China, ZTE, at 'yung usual na kasama ni chair Abalos pinalalabas po ni chair Abalos sa kwentuhan sa ZTE na eto OK na 'yung project natin.
Sec Neri took exception to the project. Sabi niya, “no hindi pwede 'yan, hindi talaga 'to pwedeng loan, ang project n'yo dapat BOT."
Insist po nang insist 'yung mga taga-ZTE na gusto nila ng financial package sa NBN dapat may loan agreement parang sa Northrail. Ulit sila nang ulit sa Northrail. Maybe they know something about Northrail that I do not.
'Yun 'yung lagi nilang ini-insist. Ang sabi nila ang gusto nilang agreement ay similar to Northrail. I don’t know why the insistence.
Magaling po sir, si Neri, magaling po 'yung samahan namin n'yan eh. Nung nakita n'yang nagkakainitan na 'yung ulo ng mga tao doon, sabi niya aalis na po, guys I have to leave in 5 minutes.
'Yung mga nakakakilala kay Sec Neri alam n'yan. “Guys, I have to leave in 5 minutes." So tayo na siya, tatayo na rin ako, tapos sabi niya, “but Jun, Jun will stay behind."
Sabi ko, patay.
Pag-alis, I walked with him [Neri] sabi ko anong instructions mo dito?
Sabi n'ya, find out what’s happening.
Pagpasok ko sa kwarto, nagsisigawan na 'yung si chairman Abalos at 'yung mga taga-ZTE. And I told the commercial (counselor), that’s why you do not do projects like this.
January 18 po. Bakit po sa lahat ng sinasalaysay kong istorya sa inyo, January 18 lang ang natatandaan ko? Kasi po, nung January 18 nasa Dumaguete ako nun, dahil sa trabaho ko sa [Philippine] Forest Corporation, papunta akong Bacolod, nagda-drive lang po kami papuntang Bacolod kasama ko pa nga po si Henry Teves eh, 'yung nasaktan sa Congress.
Tumawag po si chairman Abalos sa akin, sabi niya: Jun, alam ba ni Neri ang ginagawa n'yo? Opo, chair. Alam ba ni Neri ang ginagawa mo? Opo, chair. 'Di ba alam mo namang malapit ako sa militar? Opo, chair. 'Di ba malapit naman ako sa intelligence? Opo, chair. Alam ko po malapit siya sa (MIG-) 17, 'yung mga nanduon sa wiretapping.
Tapos pinagmumura niya po ako. Lahat ng klase ng mura. Kumota (quota) po ako nung gabing yun. Sabi niya 'yung CD ninyo nina Joey, nandirito sa akin lahat. Mga hayop kayo! Ipagsasampal ko sa inyo lahat 'to! Ako pa tinalo ninyo. Ganun, marami pa po 'yun. Ayoko na pong ikwento.
At ang tinapos niya sa akin, 'yung tawag niya. Sabi n'ya, PI ka, huwag kang magpapakita sa akin sa Wack-Wack o sa Mandaluyong at ipapapatay kita.
And those who know chairman Abalos, eh matatakot ka. So, January 18 po 'yun, dun po natapos 'yung personal kong partisipasyon doon.
I told Rom (Neri), Rom my goodness, you have put me in so much trouble for this. This is something not worth putting my life at risk for.
Umalis na po ako kay Romy. Sabi n'ya, 'wag ka nang humarap d'yan, background ka na lang.
Nung Pebrero po, nakita ko na lang na tinransfer 'yung project from CICT to DOTC.
There was an EO signed transferring CICT to DOTC. After that, 'di na po ako masyadong nakiki-ano pa, I guess after nung April, si NEDA ICC at Cabcom (?) approved it on 329 milyon dollars na.
And then from there I guess alam n'yo na po ang nangyari. So Mr Senator, madam Senators 'yun lang po ang alam ko. Maraming salamat po sa pagkakataon.